Pages

Wednesday, October 22, 2014

CSO Assembly, ilulunsad ng DILG Malay ngayong Nobyembre

Posted October 22, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Maglulunsad ang Department of Interior and Local Government (DILG) Malay ng Civil Society Organization (CSO) Assembly.

Ito ay para maipaliwanag sa mga Malaynon kung ano ang ibig sabihin ng tinatawag na Grassroots Participatory Budgeting (GPB).

Dahil dito hinihikayat ng DILG ang mga mamamayan at ibat-ibang organisasyon sa Malay na dumalo sa nasabing pagpupulong na gaganapin sa Nobyembre a-singko sa Seaside Restaurant sa nasabing bayan simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Nabatid na ang GPB ay isang paghahanda ng mga panukala sa badyet ng isang ahensya, kung saan isinasaalang-alang ang mga pangangailangan at pag-unlad ng isang siyudad o bayan para matukoy kung anong mga plano ang kailangang gawin.

Samantala kabilang naman sa CSO ay ang non-government organizations (NGOs) People’s Organization (POs), basic sector organization, cooperatives, trade unions, professional associations, faith based organizations, media groups, indigenous peoples movements, foundations at iba pang citizen’s group.

Sa kabilang banda inaasahan din dito na maibabahagi sa mga Malaynon ang mga panibagong proyekto ng LGU Malay na pasok sa badyet ng taong taong kasalukuyan.

No comments:

Post a Comment