Pages

Tuesday, October 21, 2014

Tourguide sa Boracay, patay matapos tumilapon sa minamanehong motorsiklo

Posted October 21, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hindi na umabot ng buhay sa isang pagamutan sa Boracay ang isang tourguide matapos itong maaksidente sa sinasakyang motorsiklo kahapon ng tangahali.

Sa police report ng Boracay PNP, kinilala ang biktimang si Joey Kie Otis, 23-anyos ng Afgha, Tangalan, Aklan at pansamantalang nakatira sa isla ng Boracay.

Nabatid na nangyari ang aksidente kahapon ng tanghali sa Brgy. Balabag Boracay ng papauwi umano ang biktima sa kanyang bahay para mananghalian.

Base pa sa report malakas ang ulan nang binaybay ng biktima ang kalsada maliban pa sa pagpapatakbo umano nito ng mabilis.

Dahil dito aksidenting bumangga ang kanyang sinasakyang motorsiklo sa gutter ng kalsada kung saan nahulog din ang biktima.
Nagpagulong-gulong sa kalsada ang biktima at tumama ang kanyang ulo sa isang motorsiklo na dumaan din sa lugar.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima ng mga rumesponding tao sa lugar ngunit idinaklara naman itong DOA o Dead on Arrival ng mga doktor.

Napag-alaman na nagtamo ng maraming sugat ang biktima sa kanyang ibat-ibang parte ng katawan lalo na sa kanyang mata at leeg.

Lumabas din sa pagsusuri ng hospital na nagkaroon ng cardio pulmonary arrest si Otis secondary sa hypovolcanic shock sa nangyaring vehicular accident.

No comments:

Post a Comment