Pages

Tuesday, October 07, 2014

“Budol-Budol” gang patuloy na nambibiktima sa Aklan, APPO nag-paalala sa publiko

Posted October 7, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Huwag basta bastang maniniwala sa hindi kakilala.

Ito ang muling paalala ng Aklan Police Provincial Office (APPO) matapos na muling pumasok sa probinsya ang tinatawag na “Budol-Budol” gang na karaniwang nambibiktima ng matatanda.

Katunayan nito lamang Sabado, isang 65 anyos ang nabiktima ng “Budol-Budol” na kinilalang si Felipa Enriquez matapos makuha sa kanya ang perang nagkakalaga ng P400 at dalawang alahas na may halagang P14. 000.

Ayon naman kay APPO information officer P03 Nida Gregas, paboritong biktimahin ng nasabing grupo ang mga senior citizen na mula sa bangko at simbahan ngayong papasok na “Ber” months.

Sinabi pa nito na nagsisilabasan ang ganitong grupo na ang ginagawa ay ang humingi ng tulong sa biktima kasabay ng kanilang ginagawang modus operandi.

Sa kabilang banda patuloy parin ang kanilang ginagawang imbestigasyon sa nangyaring insidente kasabay ng paalala sa publiko na maging mapagmatayag sa lahat ng oras kapag sila’y nasa labas lalo na ang pagsama sa mga matatanda na may dalang malaking pera.

Samantala, nito lamang Miyerkules isang 63-anyos mula sa Kalibo ang nakuhaan ng P49,000 ng Budol-Budol gang habang isang retired teacher din sa Kalibo ang natangayan noong Agusto 22 ng pera at alahas na nagkakahalaga ng P100,000.

No comments:

Post a Comment