Pages

Monday, October 06, 2014

Inuupahang apartment ng Taiwanese National sa Boracay, nilooban ng magnanakaw

Posted October 6, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nilooban ng magnanakaw ang inuupahang kwarto ng isang Taiwanese National sa Sitio. Tulubahan Brgy. Manoc-manoc Boracay kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Guo Jin Chi, 36-anyos at residente ng Taipei Taiwan habang pansamantalang nanunuluyan sa isla ng Boracay.

Base sa blotter report ng Boracay PNP nangyari ang insidente dakong ala-1 ng madaling araw kanina habang mahimbing na natutulog ang biktima.

Nabatid na bago ito matulog ay nilagay niya ang kanyang cellphone Sony ZU sa lamesa na nasa loob ng kanyang kwarto.

Nang magising umano ito kanilang alas-7 ng umaga ay dito na niya namalayan na nawawala na ang kanyang cellphone kasama ang kanyang bag.

Dahil dito agad na ipinagbigy alam ng biktima ang nangyari sa may-ari ng apartment kung saan agad din nilang pinuntahan ang nasabing kwarto.

Napag-alaman na binasag ng mga suspek ang bintana sa banyo ng biktima kung saan nakita din sa labas nito ang kanyang bag habang tanging cellphone lang ang natangangay mula sa kanya.

Samantala, sa follow-up investigation ng Boracay PNP, ginamit umano ng mga suspek ang binasag na bintana bilang entrance at exit sa pagnanakaw.

Ayon naman sa may-ari ng apartment maaari umanong isang grupo ng mga menor de-edad ang nanloob sa kwarto ng kanilang guest dahil sa likod umano nito ay parang squatter area at maraming delinkwenteng mga kabataan.

No comments:

Post a Comment