Pages

Tuesday, October 07, 2014

Problema tungkol sa drainage system sa Boracay, tutuldukan na sa October 15

Posted October 7, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Mapag-uusapan na rin sa wakas ang matagal nang problema tungkol sa drainage system sa Boracay.

Ayon kasi kay Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño, nag-commit na ang TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority na makikipagpulong sa mga taga Boracay Redevelopment Task Force at mga stakeholders sa isla upang maiwasan ang pagtuturuan sa nasabing problema.

Ayon kay Sacapaño, iniskedyul mismo nito ang pagpupulong sa darating na October 15, o sa susunod na Miyerkules, kahit nasagot naman ng TIEZA ang mga katanungan ng BFI o Boracay Foundation Incorporated sa kanilang paghaharap nitong nakaraang Sabado.

Nabatid na kasama din sa nasabing meeting sa October 15 ang mga taga DENR, DPHW at iba pang ahensya ng gobyerno.

Samantala, umaasa din umano si Sacapaño na tuluyan nang masusulosyunan ang nasabing problema sa kabila ng tila paulit-ulit na pagmi-meeting.

No comments:

Post a Comment