Pages

Wednesday, September 03, 2014

HRP Boracay, nagsalita tungkol sa ice bucket challenge

Posted September 3, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ikinagulat umano ng Simbahang Katoliko kung gaanong naging popular ang ice bucket challenge.

Ayon kay Holy Rosary Parish Boracay Team Moderator Fr.Arnold Crisostomo, nagtataka ito kung bakit napakainspirado ng tao na sumali sa ganitong gawain gayong may iba namang paraan kung paano makagawa ng kabutihan sa kapwa.

Bakit nga naman kasi aniya hindi rin ito gawin para sa mga kababayang nagugutom at sa kahirapan.

Bagama’t iginiit ni Crisostomo ang paninindigan ng simbahan tungkol sa layunin ng ice bucket challenge na makalikom ng donasyon para sa ALS o sakit na amyotrophic lateral sclerosis, nilinaw din nito na pabor ang karamihan sa mga obispo sa bansa sa hakbang ng ice bucket challenge.

Samantala, napag-alamang naging laman ng sermon sa misa ng HRP Boracay ang tungkol sa ice bucket challenge dahil sangkot umano sa gagawing research para sa ALS ang stem cell therapy na mahigpit na tinututulan ng Simbahang Katoliko.

No comments:

Post a Comment