Pages

Thursday, September 04, 2014

Construction ng Boracay Hospital pinuna dahil sa kabagalan

Posted September 4, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

“Mabagal”

Ganito ang obserbasyon ni Malay SB Member Rowen Aguirre sa ginagawang construction ng Boracay Hospital.

Aniya, maging si Dr. Victor Sta. Maria ng Aklan Provincial Health Office ay napansin din ang kabagalan nito.

Nabatid na phase 1 palang ang ginagawa sa hospital sa ngayon na may budget na P40 milyon at mayroon pang phase 2 at phase 3 na kailangang gawin.

Dahil dito nagpasa ng resolusyon si Aguirre na nagre-request kay DOH Secretary Enrique Ona na kung maaari ay pabilisan ang ginagawang construction dito para naman maihabol sa gaganaping APEC Summit sa 2015 sa Boracay.

Ayon pa kay Aguirre ang mabagal umanong construction ay nakakaapekto sa mga mahihirap na mamamayan na hindi kayang magbayad ng mahal sa mga pribidadong klinika sa isla.

No comments:

Post a Comment