Pages

Wednesday, September 03, 2014

Karagdagang tauhan ng Engineering Office isinusulong ng SB Malay

Posted September 3, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isinusulong ng Sangguniang Bayan ng Malay ang pagdagdag ng mga tauhan para sa Engineering Office.

Ito ay para lalong mabigyan ng aksyon ang mga nagpapagawa ng construction building sa mainland Malay at isla ng Boracay.

Nabatid kasi na mahigit sa 81 na mga kabahayan at establisyemento ang walang kaukulang permit mula sa LGU Malay.

Sa SB Session kahapon sinabi ni Municipal Engineer OIC Arnold Solano sa konseho na hindi umano agad-agad nila na-momonitor ang mga nagpapagawa ng building dahil sa sobrang dami umano ito at iilan lamang sila.

Sa kabila nito, patuloy paring sinusuyod ng nasabing Departamento ang mga lugar sa Malay kung meron pang nagpapagawa ng mga building o malalaking bahay na walang permit mula sa kanilang opisina.

No comments:

Post a Comment