Pages

Wednesday, September 10, 2014

Bangkay ng Japanese National na inatake sa puso habang nag-scuba diving, kinuha na ng kanyang pamilya

Posted September 9, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay 

Kinuha na ng kanyang pamilya ang bangkay ng isang Japanese National na inatake sa puso habang nag-scuba diving sa Boracay nitong Sabado.

Subali’t kinumpirma ngayon ng Department of Tourism Boracay Sub-Office na walang pinirmahang medical waiver sa dive shop ang biktima at wala din itong sinabi tungkol sa kanyang medical history.

Natuklasan umano kasi na may mga gamot para sa hypertension at heart medication ang biktima sa loob ng kanyang bag.

Ayon naman sa Boracay PNP, idineklara ni Doktora Therese Gervacio ng MDMC Clinic na Dead on Arrival na ang 65 anyos na biktima matapos itong atakehin sa puso.

Samantala, ayon pa sa DOT, sumama naman ng may-ari ng dive shop sa paghatid sa bangkay sa Maynila kahapon kahit wala itong pinirmahang medical waiver sa kanila.

No comments:

Post a Comment