Pages

Wednesday, September 10, 2014

Resolusyon para sa pag fast track ng Boracay Hospital expansion project muling sasailalim sa pag-aaral

Posted September 10, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muling sasailalim sa pag-aaral ng Sangguniang Bayan ng Malay ang resolusyon na nagre-request sa Department of Health sa pag fast track ng Boracay Hospital.

Sa SB Session ng Malay kahapon ipinasok sa incoming and referral ang nasabing resolusyon kung saan ini-refer naman ito ni Vice mayor Wilbec Gelito sa Committee on Laws para sa mabusising pag-aaral.

Nabatid na ang resolusyon ay iniakda ni SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre dahil sa pagkabahala nito sa katagalan ng ginagawang construction ng nasabing hospital.

Napag-alaman rin na mismong ang Aklan Provincial Health Office at ang tanggapan ng Governador ay nababahala para dito.

Sa kabilang banda inaasahang magkakaroon ng public hearing ang SB tungkol dito kung saan ipapatawag naman ang mga concern agencies at ang mismong may hawak ng nasabing proyekto.

Samantala, hindi pa tiyak ng SB Malay kung hanggang kaylan ito matatapos dahil sa phase 1 palang ang ginagawa sa hospital ngayon at mayroon pang phase 2 at 3 na gagawin.

No comments:

Post a Comment