Pages

Wednesday, September 10, 2014

Mga korales sa Boracay, muling dumami dahil sa Coral Transplantation

Posted September 9, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Muli na umanong dumami ang mga korales sa Boracay dahil sa Coral Transplantation.

Ito ang sinabi ni Malay Aqua-culturist Yuri Tolentino ng Malay Agriculture’s Office kaugnay ng kanilang pagsiyasat sa sitwasyon ng mga korales sa mga snorkeling sa isla.

Nabatid na isa sa plano ng Department of Tourism (DOT) na e-promote ang Coral Transplantation sa isla kung kaya’t binisita din nila ang mga snorkeling sites kasabay ng isinagawang Lucheon Picnic nitong Sabado kasama ang mga Philippine Travel Exchange (PHITEX) Buyers.

Ayon kay Tolentino, hindi naman umano lingid sa kaalaman ng karamihan na ang mga korales sa Boracay ay unti-unti nang namamatay, subali’t sa tulong ng coral transplantation, ay unti-unti nang dumadami ang mga ito.

Samantala, ayon pa kay Tolentino, sa kasalukuyan ay nagdagdag na rin ng mga boya ang MAO sa mga snorkeling area sa Boracay para mabawasan ang paghulog ng angkla mula mga bangka na nag-a-island hopping at nang sa ganoon ay hindi masira ang mga korales sa mga nabanggit na snorkeling site.

No comments:

Post a Comment