Pages

Thursday, August 28, 2014

Problema ng mga taga Boracay sa pagpaparehistro ng kanilang sasakyan, sinimulang ayusin ng bagong LTO Kalibo District Head

Posted August 27, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Aminado ngayon ang bagong LTO Kalibo District Head sa problema ng mga taga Boracay sa pagpaparehistro ng kanilang sasakyan.

Kaugnay nito, binisita kaninang umaga ng LTO o Land Transportation Office ang isla ng Boracay upang tugunan ang nasabing problema.

Ayon kasi kay Kalibo District Officer 3 Elsa Castaños, pinoproblema ng mga taga Boracay ang pagpaparehistro ng kanilang sasakyan kapag hindi ang mga ito naiinspeksyon.

Subali’t ayon kay Castaños, requirement o kailangan talagang sumailalim sa isnpeksyon ang mga sasakyan bago ito marerehistro.

Samantala, kaugnay nito, sinabi ni Castaños na plano nilang mag-eskedyul ng isang araw kada buwang pagbisita sa isla upang hindi na mahirapan ang mga taga Boracay sa pagpaparehistro ng sasakyan.

Napag-alamang mahigit sa 40 sasakyan ang kanilang ininspeksyon kaninang umaga.

No comments:

Post a Comment