Pages

Thursday, August 28, 2014

DepED Aklan, mahigpit na mino-monitor ang pagbebenta ng mga soft drinks at junk foods sa paaralan

Posted August 27, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Mahigpit ngayong mino-monitor ng Department of Education (DepED) Aklan ang pagbebenta ng mga softdrinks at junkfoods sa mga paaralan.

Ayon kay DepED Aklan Program Supervisor I, Marivic Tolentino, sa kabila ng ipinatutupad na monitoring, may iilan parin umanong paaralan sa Aklan ang lumalabag rito.

Gayunpaman, muli nitong iginiit na sang-ayon sa DepED Order No. 8 series of 2007, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga hindi masustansyang pagkain sa eskwelahan, gaya ng soft drinks at junk foods.

Samantala, sinabi din nitong matagal nang pinaiiral ang “Implementing Guidelines on the Operation and Management of Canteens” sa mga public elementary at high school base na rin sa nasabing mandato.

Muli ding ipinaalala ng DepED sa mga magulang at mga estudyante na huwag nang tangkilikin ang mga nasabing produkto para sa magandang kalusugan.

Kasabay  nito, hinimok din opisyal ang ibang eskwelahan na huwag na din magtinda ng mga junk foods at soft drinks.

No comments:

Post a Comment