Pages

Wednesday, August 27, 2014

Boracay PNP, nanindigang hindi ningas-kugon ang pagsugpo ng kriminalidad sa isla

Posted August 27, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nanindigan ngayon ang Boracay PNP na hindi ningas-kugon ang kanilang pagsugpo ng kriminalidad sa isla.

Ayon kay Boracay PNP Deputy Chief PInspector Fidel Gentallan, isa sa mga mandato sa kanila ng kanilang higher headquarters ang PIPS o Police Integrated Patrol System kung saan bahagi rin nito ang pagsagawa ng mga random check points, at operation bakal.

Ayon pa kay Gentallan, mahalaga ang mga nasabing crime prevention activities kung kaya’t hinimok din nito ang suporta ng kumunidad, kasabay ng paghingi ng pag-unawa sa publiko partikular sa mga maapektuhan ng kanilang checkpoints.

Samantala, sinabi pa ni PInsp. Gentallan na magpapatuloy din ang kanilang pagsasagawa ng mga check points sa gabi upang masawata ang kriminalidad sa isla.

Magugunitang ipinagtaka ng publiko sa isla ang halos sunod-sunod na check points ng mga taga Boracay PNP.

No comments:

Post a Comment