Pages

Monday, August 25, 2014

Pinakamalaking Meeting ng APEC Summit 2015 hawak ng isla ng Boracay

Posted August 25, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hawak umano ng isla ng Boracay ang pinakamalaking meeting ng Asia Pacific Economic Conference (APEC) Summit sa darating na 2015.

Ito ang sinabi ni 2015 APEC Malay Task Group Focal Person at SB Member Rowen Aguirre sa panayam ng himpilang ito.

Aniya, tinatayang aabot sa dalawang libo ang dadalong delegado sa isasagawang Ministerial meeting sa Boracay mula sa 21 bansa kung saan mamamalagi ang mga ito sa isla ng 18 araw o tatlong linggo.

Ayon pa kay Aguirre mayroon na lang umano silang siyam na buwan para paghadaan ang APEC lalo na ang ilalatag na seguridad para sa mga partisipante.

Samantala, isa rin itong malaking promotions para sa isla ng Boracay kung saan ilang media organizations mula sa ibat-ibang bansa ang inaasahang pupunta sa isla para e-cover ang APEC Summit 2015.

No comments:

Post a Comment