Pages

Monday, August 25, 2014

Canadian national, sinakal ang bakasyunistang pinoy sa Boracay

Posted August 25, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Sinakal ng isang Canadian national ang bakasyunistang pinoy sa Boracay.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, ala una kanina ng madaling araw nang mapansin di umano ng security guard ng isang resort na si Neil Mordese ang isang turista na nakikipagtalo sa isang bakasyunistang pinoy.

Ilang sandali pa ay bigla umanong sinakal ng Canadian national na si Tomase Mezinsky, 40 anyos ang pinoy na si John Paul Ulanday, 26 anyos ng Alabang Muntinlupa City at nagbabakasyon sa Boracay.

Dahil dito, inawat ng nasabing sekyu ang dalawa, subali’t maging siya umano ay pinagbabantaan ng nasabing turista at hinahamon ng suntukan habang nagsisisigaw sa nasabing lugar na nagdulot naman ng eskandalo doon.

Samantala, ipinagkatiwala naman ngayon ng Boracay PNP ang nasabing kaso sa Barangay Justice System.

No comments:

Post a Comment