Pages

Monday, August 25, 2014

Boracay pormal nang itatalagang bilang host ng APEC Summit 2015

Posted August 25, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pormal na umanong itatalaga bilang host ng Asia Pacific Economic Conference (APEC) Summit 2015 ang isla ng Boracay ngayong mga susunod na linggo.

Ito ang kinumpirma ni 2015 APEC Malay Task Group Focal Person at SB Member Rowen Aguirre.

Aniya, meron umano silang natanggap na notice na pirmado ni Executive Secretary Paquito Ochoa para sa pagtalaga bilang formal host ng Boracay kung saan inaasahang si Director General Marciano Paynor Jr. ng APEC 2015 ang magsasagawa ng formal declaration para dito.

Nabatid na si Paynor ang head ng NOC o National Organizing Committee at ang nag-anunsyo na ang isla ng Boracay ang isa sa magiging host ng APEC 2015.

Samantala, pinaghahandaan naman ngayon ng APEC Malay Task Group ang paghahanap ng mga venue sa Boracay na pagdadarausan ng APEC Ministerial meeting sa darating na Mayo.

Ang APEC Summit 2015 sa Boracay ay lalahukan ng mahigit dalawang libong delegado mula sa dalawamput isang bansa kasama ang kanilang mga pamilya at mga media organizations sa ibat-ibang sulok ng mundo.

No comments:

Post a Comment