Posted August 5, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Isang Dugong o ‘sea cow’ na pinaniniwalaang tinaga
ang natagpuang patay sa station 3 Boracay kaninang umaga.
Ito ang kinumpirma ni Nilo Subong ng Protected
Areas and Wildlife Coastal Zone Management kaugnay sa napagkamalang dolphin na
nakita ng isang nagpa-parasailing na boat man.
Ayon kay Subong, kalahati na lang ng katawan ng dugong
ang nakita ng boatman sa dagat na tinatayang nasa 30-50 kilo ang bigat.
Halos tuwid na tuwid umano ang pagkakahati sa
katawan ng hayop kung kaya’t posibleng tinaga ito ng tao at iniwan ang ulohang
bahagi.
Paniwala pa ni Subong, maaaring napahiwalay sa ina
ang dugong at nakita ng tao at tinaga.
No comments:
Post a Comment