Pages

Wednesday, August 13, 2014

Japanese national, humingi ng tulong sa BTAC upang bawiin ang 18k gold ring sa isang lady boy

Posted August 13, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Humingi ng tulong sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang isang Japanese national upang bawiin ang kanyang 18k gold ring na ibinigay sa isang lady boy.

Sumbong ng 29 anyos na hapon, naglalakad ito alas onse y medya ng gabi sa Balabag Boracay nang biglang hilahin ng inakala nyang babae at dinala sa madilim na bahagi ng isang resort sa lugar para sa isang panandaliang aliw.

Ayon pa sa hapon, hiningan umano siya ng pera ng inakala niyang babae pagkatapos, subali’t wala siyang maibigay at sa halip ay iniabot nito ang kanyang 18k na gold ring.

Nang makarating sa tinutuluyang resort, doon na napagtanto ng hapon na isang bading o lady boy pala ang kanyang nakasalumuha kaya’t kaagad itong humingi ng tulong sa BTAC.

Samantala, sa isinagawa namang follow-up investigation ng BTAC ay boluntaryong isinuli ng lady boy ang gintong singsing ng hapon.

No comments:

Post a Comment