Pages

Wednesday, August 13, 2014

35 kababaihan na biktima ng Human Trafficking sa Boracay, nasa pangangalaga na ng DSWD

Posted August 12, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nasa pangangalaga na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 35 kababaihan na biktima ng Human Trafficking sa Boracay.

Ito ang kinumpirma ng mga taga Boracay PNP Station, kasabay ng pagsampa na ng kaso sa tatlong bar owners dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Law of 2003.

Magugunitang sinalakay nitong nakaraang Huwebes ng mga operatiba ng Boracay PNP, Aklan Police Provincial Office at DSWD ang tatlong videoke bar sa Barangay Manoc-Manoc, at Yapak kung saan nailigtas ang mga nasabing kababaihan.

Napag-alaman din na ang mga biktimang babae ay sangkot sa one place to another o inililipat sa ibat-ibang lugar sa bansa.

Samantala, sinubukan namang kunan ng pahayag ng himpilang ito ang Aklan Provincial Social Welfare and Development Office, subalit tumanggi muna ang mga itong magsalita.

No comments:

Post a Comment