Pages

Wednesday, August 13, 2014

Pinaniniwalaang modus ng budol-budol, idinulog sa YES FM Boracay

Posted August 13, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Minarapat na idulog ng isang concerned citizen sa YES FM Boracay ang pinaniniwalaang modus ng budol-budol.

Kuwento ng hindi na pinangalanang stall owner sa Barangay Balabag, isang lalaki ang pumunta sa kanilang tindahan kagabi at humihingi ng pangalan niya at contact number.

Base sa sumbong ng kanyang mga staff, may nag-utos umano sa lalaki na puntahan siya sa kanyang puwesto at sabihang may naiwan itong gamit sa terminal kahapon.

Subali’t nagtataka naman ang kanyang mga staff kung bakit iba-ibang terminal ang sinasabi ng lalaki at kung bakit kailangan pang hingin ang pangalan at contact number ng may-ari ng nasabing tindahan.

Duda rin ang mga ito kung bakit hindi nalang isauli ang umano’y naiwang gamit kung totoo nga gayong natunton na rin pala ng lalaki ang pwesto nila.

Labis din ang pagtataka ng concerned citizen kung paanong may naiwan itong gamit gayong wala itong pinuntahang ibang lugar kahapon.

No comments:

Post a Comment