Pages

Monday, July 14, 2014

Voter’s registration para sa PWD’s, magsisimula na sa Hulyo 20 - COMELEC

Posted July 14, 2014
Ni Gloria Villas, YESFM Boracay

Magsisimula na ang pagpaparehistro ng mga Persons With Disabilities (PWD’s) sa Hulyo 20 para sa 2016 Presidential Elections.

Ito ang sinabi ni Malay COMELEC Officer II, Elma Cahilig, kaugnay sa pagdeklara ng nasabing araw bilang “National Registration Day for Voters with Disabilities.”

Anya, ito’y isa sa mga layunin ng Commission on Elections (COMELEC) bilang pagtupad sa itinatakda ng Comelec Resolution No. 9853 na dapat gawing accessible ang pagboto para sa mga may kapansanan.

Sa panahon ng pagboto ay magkakaroon umano ng special polling precinct para sa mga PWDs, kung saan limitado lamang ang bilang ng mga botante at mas maiksi ang panahon ng pagboto.

Samantala, bukas naman ang opisina ng COMELEC Malay sa mga nais magparehistro tuwing office hours mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Kailangan lamang magdala ng valid ID, partikular ng government ID at Live Birth para sa pagpaparehistro.

Siniguro din ng COMELEC na tinutugunan nila ang paraan para sa usapin ng pagboto ng mga PWDs.

No comments:

Post a Comment