Pages

Monday, July 14, 2014

Bakasyunista, nabiktima ng panloloko sa internet; nagreklamo sa Boracay PNP

Posted July 14, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Dumulog sa himpilan ng Boracay PNP Station ang isang bakasyunista sa Boracay matapos na umano’y mabiktima ng panloloko.

Sumbong ni Gerrylyn Frost, 27 anyos ng Makati City at pansamantalang nanunuluyan sa isang resort sa Balabag Boracay.

Nag-order ito ng isang WiFi Max Router sa pamamagitan ng facebook account ni Bergelio Trinidad na nagkakahalaga ng tatlong libong piso.

Para maipakita ang katapatan ay binigay pa umano ng suspek ang kanyang personal na cellphone number at dahil sa agad na pagtitiwala, ipinadala naman ng biktima ang nasabing pera sa pamamagitan ng Smart Money.

Subalit, nagulat ito nang hindi natupad ng suspek ang kanyang pangako na ipapadala ang nasabing router sa pamamagitan ng isang padala center.

Nang muling subukan kontakin ng biktima ang numero at facebook account nito ay hindi na umano aktibo.

Samantala, muli namang nagpaalala ang mga kapulisan na huwag agad-agad magtitiwala at kilalanin munang mabuti ang mga makakatransaksyon lalo na yaong nagbibinta sa pamamagitan ng internet.

No comments:

Post a Comment