Pages

Tuesday, July 15, 2014

Umano’y police brutality sa lalaking nahulihan ng illegal na droga, sinagot na ng APPO

Posted July 15, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sinagot na ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang umano’y nangyaring police brutality sa isang lalaking nahulihan ng ilegal na droga sa bayan ng Kalibo.

Ito’y matapos na kumalat sa social media ang larawan ng isang lalaki na kinilalang si Regie Ruzi na duguan at puro pasa na nakaratay sa higaan ng isang ospital habang nakapusas ang mga kamay.

Ayon naman kay APPO information officer P03 Nida Gregas wala umanong katotohanan ang kumakalat na balita tungkol sa umano’y police brutality.

Aniya, nanlaban ang sinasabing suspek sa kapulisan habang ito’y nakapusas at tumakbo dahilan para ito ay matumba na naging rason umano ng kaniyang mga tinamong pasa sa katawan.

Masama naman ang loob ng pamilya ni Regie kung saan naniniwala sila na nakakaranas ng police brutality ang kanilang kaanak.

Samantala, base pa sa i-pinost na pahayag sa Face book ng kaanak ng umano’y biktima ng police brutality na kung sakaling may kasalanan ito sa batas ay dapat hindi umano ito ang pag-trato sa kaniya.

Sa ngayon patuloy naman ang ginagawang pag-iimbestiga ng APPO kung saan ang pamilya naman ay naghahanap ng testigo na nakasaksi sa nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment