Posted July 23, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pasa ang inabot ng isang American national matapos
na magsuntukan sila ng bouncer ng isang bar sa Boracay.
Ayon sa blotter report ng Boracay PNP Station,
nag-ugat ang nasabing komosyon nang pagbawalan di umano ng bouncer na si Jhonny
Bogoy, 32 anyos ang amerikanong si Rodney Terry, 40 anyos na dalhin ang bote ng
beer sa dance floor.
Dahil dito, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na
humantong sa suntukan at dahilan para magkagulo sa nasabing lugar.
Samantala, saad naman ng kasintahan ng amerikano na
si Vanesa Lee, 29 anyos nasa apat hanggang anim na katao di umano ang humahawak
sa kanyang nobyo habang binubugbog ng bouncer.
Kaugnay nito, muli namang dumulog sa himpilan ng
Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang turista at nagpahayag na hindi na
ito intresado magsampa ng kaso sapagkat humingi na sa kanya ng paumanhin ang
nasabing bouncer.
No comments:
Post a Comment