Posted July
9, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Subali’t ipinaliwanag ngayon ng engineering department ng
D’mall kung bakit ito binaha.
Ayon kay Engineer Raymundo Gonzales, nagmistulang ‘catch
basin’ ng naipong tubig-ulan ang D’mall dahil hinarang pala ang drainage nito,
dagdag pa na doon napunta sa kanila ang tubig-ulan mula sa sitio Manggayad.
Ayon naman kay Malay Municipal Engineer Elizer Casidsid,
isinira ang bahaging dinadaanan ng drainage ng D’mall sa pangamba na may
ilalabas din itong maruming tubig mula sa ibang drainage.
Samantala, kaliwa’t-kanang paglilinis naman ang ginagawa
ng pamunuan ng D’mall kung kaya’t muli na naman itong dinagsa ng mga turista at
maging ng mga lokal na residente ng isla.
No comments:
Post a Comment