Pages

Wednesday, July 09, 2014

Mga establisemyentong apektado ng baha, pinayuhan ng BRTF

Posted July 8, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Aminado ngayon ang BRTF na hindi nila masisisi ang mga establisemyentong kusang gumawa ng paraan sa binabaha nilang lugar.

Kaugnay ito sa pagpapalabas ng tubig-baha ng mga establisemyento sa isla na binaha dulot ng nararanasang pag-ulan.

Nagkanya-kanya kasi ang mga nasabing establisemyento na bombahin gamit ang motor pump at mga mahahabang hose ang tubig-ulan na pumasok at naipon sa kanilang lugar.

Kaya naman ayon kay BRTF o Boracay Redevelopment Task Force Secretary Mabel Bacani.

Maging maagap ang mga binahang establisemyento sa kanilang mga gagawing hakbang upang matulungan ng lokal na pamahalaan ng Malay.

Samantala, sinabi pa ni Bacani na nag-iikot narin ang mga taga Boracay Solid Waste Action Team at BRTF at patuloy na tumatanggap ng mga reklamo kaugnay sa nararanasang pagbaha sa isla.

Sa ginawang ocular inspection naman nitong umaga ng YES FM Boracay, nabatid mula sa mga  establisemyento na malaking perwisyo sa kanila ang baradong drainage sa isla kung kaya’t napilitan silang ilabas ang tubig-baha sa dagat.

No comments:

Post a Comment