Pages

Tuesday, July 01, 2014

Father Nonoy Crisostomo, ikinadismaya ang pagnakaw at pagsira sa isang imahen ng Our lady of Fatima sa Boracay

Posted June 30, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Respeto.

Ito ang naging paalala ni Father Nonoy Crisostomo ng Holy Rosary Parish Boracay sa kabila ng kanyang pagkadismaya sa pagnakaw at pagsira ng imahen ng Our lady of Fatima sa sitio Din-iwid, Boracay nitong mga nakaraang araw.

Ayon kay Father Nonoy, isa umanong pang-iinsulto sa pananampalataya ng mga Katoliko sa isla ang pagkuha at pagsira sa nasabing imahe.

Bagama’t kinumpirma nito na isang pampublikong lugar ang kinaroroonan ng imahe, dapat parin umano itong igalang maging ng ibang relihiyon o sekta.

Nabatid na pagmamay-ari ng isang pribadong indibidwal ang imahe Our lady of Fatima na inilagay sa bahagi ng bundok ng Sitio Din-iwid beach.

Magkaganon paman, may mga dumadaang deboto doon na nag-aalay ng bulaklak o nagsisindi ng kandila sa imahe.

Sa ngayon, blanko pa maging ang simbahan sa kung sino ang kumuha at sumira sa imahe ng Mahal na Birhen.

No comments:

Post a Comment