Pages

Tuesday, July 01, 2014

DOT Boracay, nagpaabot ng suporta sa paggunita ng Ramadan sa Boracay

Posted June 30, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Itinuturing ng Department of Tourism (DOT) Boracay na malaki ang naiaambag ng mga Muslim sa turismo ng Boracay.

Kaya naman, nagpaabot rin ngayon ng suporta at mensahe ang DOT sa mga Muslim bilang pakikiisa sa paggunita ng mga ito ng Ramadan.

Ayon kay DOT Boracay OIC Tim Ticar, nagpapasalamat ang DOT sa mga Muslim na nagmamay-ari ng mga souvenir shops, kung saan malaki din umano ang naibibigay na kasiyahan sa  mga lokal man o dayuhang turista.

Samantala, ang Ramadan ay isang kaganapang pang-relihiyon ng mga Muslim na nagaganap tuwing ika-siyam na buwan sa kalendaryong Islam, kung saan naihayag ang Qur'an.

Ito rin ang panahon ng pag-aayuno o pag-iwas sa pagkain at pag-inom ng tubig mula pagsikat ng araw hanggang paglubog ng araw.

Nagtatapos naman ang Ramadan sa Eid ul-Fitr o Hari Raya Puasa.

No comments:

Post a Comment