Pages

Tuesday, July 01, 2014

Child sex tourism sa Boracay hindi umano rampant - DOT Boracay

Posted July 1, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hindi umano rampant ang child sex tourism sa isla ng Boracay.

Ito ang sinabi ni DOT Boracay Officer In-Charge Tim Ticar.

Aniya, patuloy ang kanilang pag-develop sa isla ng Boracay bilang family-oriented destination para sa foreign at local tourist.

Nagkaroon din umano ng awareness campaign ang Philippine National Police (PNP), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DoH) at ang non-government organizations para mapuksa ang child sex trafficking na sangkot ang mga  menor de-edad na babae sa isla.

Sinabi pa nito na wala umanong mga taga Boracay ang kasali sa sex trafficking hindi aniya katulad ng ibang kababaihan na dumadayo sa isla na dala ng mga turista na sinasabing engaged sila sa sex tourism.

Kamaikailan lang ay nagdikit ng mga sticker ang Boracay Tourist Police sa mga pangunahing lugar at mga sasakyan sa Boracay kontra sa Child sex tourism kabilang na ang pagsailalim sa kanila para sa training tungkol dito.

Iginiit pa ni Ticar na ang ganitong gawain ay nakakasira sa imahe ng isla ng Boracay lalo na at ang isla ay tinatangkilik sa buong mundo dahil sa angkin nitong kagandahan.

Samantala, sa pangunguna ng LGU Malay ang Child sex tourism ay mahigpit nilang binabantayan para hindi maipasok sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment