Pages

Friday, July 18, 2014

DTI Aklan, nakatakdang mag-monitor sa mga pangunahing pamilihan sa Boracay

Posted July 18, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakatakdang mag-monitor ang Department of Trade and Industry (DTI) Aklan sa mga pangunahing pamilihan sa isla ng Boracay.

Ito ay para matukoy ang mga presyo ng mga bilihin katulad ng mga delata, noodles, gatas at iba pang ginagamit sa pang araw-araw.

Pangungunahan mismo ito ni DTI Head Aklan Provincial Director Diosdado Cadena Jr. kasama ang ilan pang opisyales nito.

Nilinaw naman ng DTI na mayroon na rin silang mga natatanggap na reklamo mula sa mga mamimili sa isla dahil sa umano’y mga mahal na presyo ng mga bilihin.

Samantala sinabi naman ni Cadena na dalawang klase ang tao sa Boracay na kung saan ang isa ay kayang gumastos kahit mahal at ang isa naman ay ang masa na hindi kayang maabot ang presyo ng ibang bilihin.

Aniya, kinakailangan lamang umanong maging maabilidad sa pamimili kung saan maaaring magtungo sa mga tindahan na reasonable ang presyo ng mga bilihin.

Nauna na ring sinabi nito na maaaring maharap sa penalidad o sa pagbayad ng multang nagkakahalaga ng P500 hanggang P1 Milyong ang isang pamilihan na masyadong mataas ang presyo ng bilihin lalo na’t wala itong sapat na dahilan.

No comments:

Post a Comment