Posted July 18, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Isinusulong ngayon sa
Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang isang ordinansa para sa mga tourist bus
at iba pang public transportation units.
Ito’y kaugnay sa pagre-require
sa kanila na magkaroon ng audio at video device na nagpapakita ng kagandahan ng
probinsya ng Aklan.
Sa resolusyon na ini-akda ni SP
Member Emmanuel Soviet Dela Cruz.
Nakasaad rito na ang nasabing ordinansa ay may malaking maitutulong lalo na sa turismo ng Aklan.
Nakasaad rito na ang nasabing ordinansa ay may malaking maitutulong lalo na sa turismo ng Aklan.
Kapag umuunlad umano kasi ang
turismo ay mas mapapalago rin ang ekonomiya sa probinsya.
Samantala, nakatakda namang
imbitahan ang iba’t-ibang mga tourist bus at public transportation units na
nag-o-operate sa probinsya upang pag-usapan ang nasabing ordinasa.
Sa ngayon ay ine-refer o
isinangguni muna ito sa komitiba ng Tourism, Trade and Industry and Commerce at
Communications and Committee on Laws, Rules and Ordinances upang mapag-aralan.
No comments:
Post a Comment