Pages

Tuesday, July 08, 2014

Mga katutubong apektado ng bagyong Yolanda sa bansa, isinailalim sa healing session sa Aklan

Posted July 8, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isinailalim sa healing session ang daan-daang katutubong Ati mula sa ibat ibang bahagi ng bansa ilang buwan matapos maapektuhan ng bayong Yolanda.

Ito ay isinagawa sa Barangay Cubay Sur, Malay Aklan nitong Biyernes hanggang Linggo na inorganisa ng National Commission on Culture and the Arts para sa taunang Dayaw Festival.

Ayon kay NCCA Commissioner Joyce Alegre, ang mga kasaling katutubo rito ay ang mga katutubong Ati galing sa Leyte, Samar, South Cotabato, Capiz, Iloilo at Aklan.

Nabatid na bahagi rin ng healing session ay ang pagpapakita ng kani-kanilang kultura sa larangan ng musika at pagsasayaw.

Nagkaroon din ang mga ito ng presentasyon sa pamamagitan ng warrior dance at mga katutubong pagsayaw na iginagaya sa galaw ng mga hayop tulad ng unggoy at ibon.

Isa rin sa mga highlight ay ang pagturo ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Government sa mga katutubo kung papaano maprotektahan ang sarili sa oras ng kalamidad.

Samantala, ilang banyagang NGO rin ang sumuporta sa nasabing programa kabilang na ang Aklan Provincial Tourism Council at Aklan Provincial Government.

No comments:

Post a Comment