Pages

Monday, June 30, 2014

Plano para sa binabahang classrooms sa Boracay National High School, pinoproseso na

Posted June 30, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinoproseso na ngayon ang plano para sa mga binabahang silid-aralan ng BNHS o Boracay National High School.

Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng paaralan nitong Sabado sa ginanap na improvement Plan, kung saan pinag-aaralan na umano ito ngayon ng Malay District Office at ilang ahensya.

Isa umano sa mga pinaplano rito ay ang pagtaas ng flooring at ang pagpapagawa ng dalawang palapag ng mga silid-aralan para hindi mapasok ng tubig-baha.

Nabatid na ang ilang classrooms sa BNHS ay pinapasok ng tubig-baha sa tuwing malakas ang ulan dahil sa pagiging mababa nito.

Sadyang delikado rin para sa mga estudyante ang ilang kawad ng kuryente sa paaralan na naaabot ng tubig baha.

Ayon naman kay BNHS Principal II Jose Niro Nillasca, inaasahan nilang mabibigyan agad ito ng atensyon upang hindi na maantala ang klase ng mga estudyante.

Napag-alaman na nakakansela ang klase ng mga mag-aaral dahil sa kinakailangang pauwiin ang mga ito sa tuwing pumasok ang tubig-baha sa kanilang silid-aralan.

No comments:

Post a Comment