Pages

Wednesday, July 09, 2014

Boracay isinusulong ng Shanghai China, bilang isang wedding destination sa kanilang bansa

Posted July 9, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isinusulong nang Shanghai China ang isla ng Boracay bilang isang wedding destination sa kanilang bansa.

Katunayan isang grupo na kinabibilangan ng media, modelo at ilang sikat na personalities mula sa China ang nagkaroon ng video presentation sa isla ng Boracay ngayong araw.

Ayon kay DOT Boracay officer In-charge Tim Ticar, dumating kagabi ang nasabing grupo para mag-pictorial sa mga sikat na lugar sa isla bago tumulak ang mga ito pabalik sa China sa darating na Biyernes.

Nabatid na kabilang pa sa mga kukuhaan ng video ay ang crystal cove, Diniwid, Puka beach at long beach area kasama na ang mga nag-gagandahang hotel at resort sa isla.

Sinabi pa ni Ticar na isa rin itong tourism promotions para lalong kilalanin ang isla ng Boracay hindi lamang bilang isang Family-oriented kundi maging isang wedding destination.

Nagpapasalamat naman ito sa tila muling pagganda ng araw at ang paghupa ng tubig baha sa D’mall na maaaring maka-apekto sa nasabing promotion.

Nabatid naman na patuloy ang ginagawang promotions and marketing ng DOT sa ibat-ibang panig ng mundo para lalong tangkilin ang pinakamagandang isla sa buong Asya.

No comments:

Post a Comment