Pages

Wednesday, July 09, 2014

DA Aklan, aminadong may hindi magandang naidulot ang “rainy season” sa mga agricultural products sa probinsya

Posted July 9, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Bagamat may hindi magandang epekto ang “rainy season” sa mga agricultural products sa probinsya ng Aklan.

Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Aklan Head, William Castillo na may maganda rin itong naidudulot sa mga magsasaka sa pagkakaroon ng magandang produkto ng palay.

Gayunpaman, dahil sa hindi magandang panahon, naging problema lang umano dito ang pahirapan sa transportasyon ng mga produkto lalo na yaong para sa isla ng Boracay na kinakailangan pang itawid galing sa iba pang mga bayan sa mainland.

Samantala, ipinasiguro naman ni Castillo na kalidad ang mga produktong itina-transport sa Boracay na ginagamit naman ng mga iba’t-ibang business establishments, katulad ng prutasat gulay.

Anya, may nakatalaga ang Agriculture’s Office na mga inspector na syang sumusuri at nagka-quarantine ng mga nasabing produkto upang masiguro ang kaligtasan ng publiko lalo na ng mga turistang bumibisita sa isla.

No comments:

Post a Comment