Pages

Friday, July 11, 2014

Boracay Hospital, patuloy pa ang pagtanggap ng pasyente sa kabila ng ginagawang construction

Posted July 11, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Patuloy pa umano ngayong tumatanggap ng mga pasyente ang Boracay Hospital o Don Ciriasco S. Tirol Hospital sa kabila ng ginagawang construction dito.

Ito ang sinabi ni Malay SB Secretary Concordia Alcantara matapos na ipinaabot ni SB Pater SacapaƱio sa kaniyang privilege speech nitong nakaraang linggo ang tungkol sa temporaryong pagpapasara ng nasabing hospital.

Aniya, nakikipag-ugnayan pa sila sa Health Board para sila umano ang gumawa ng sulat o request sa Provincial Health Office sa pagkakaroon ng temporaryong lugar o kwarto na paglalagyan ng mga pasyente sakaling maipasara na ito.

Samantala, napag-alaman rin na iilang kwatro nalang ngayon ang ginagamit sa nasabing hospital para sa mga pasyenteng idinadala dito dahil sa patuloy ang ginagawang construction.

Inaasahan namang ngayong darating na buwan ng Agusto ay totally closed na ito para sa mas mabilis na pagpapaayos ng hospital.

Nabatid na malaking tulong para sa mga pasyente ang gagawing pagpapabago para sa hospital dahil sa pagdadag ng gamit, doktor at karagdagang kwatro para sa mas mabilis na operasyon.

No comments:

Post a Comment