Posted July 11, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Katunayan isang wanted person ang minarapat sumuko sa
Boracay PNP kaninang umaga.
Nakilala sa police report ng Boracay PNP ang akusadong si
Marlon Rosette, 25-anyos ng Sitio. Hagdan, Yapak, Boracay, Malay, Aklan.
Nabatid na ito ay inakusahan ng paglabag sa Section 5 ng
Republic Act 9262 o mas kilala sa tawag
na "Anti-Violence Against Women and their children (VAWC) Act of 2004 sa
ilalim ng criminal case # 11708.
Mayroon namang piyansang itinalaga ang RTC 6th
Judicial Regional Branch 3 Kalibo, Aklan na nagkakalahalaga ng 12 libong piso
para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Napag-alaman na matapos itong sumuko sa Boracay PNP, ay
agad din itong dinala sa RTC Kalibo Aklan para sa karampatang disposisyon.
No comments:
Post a Comment