Posted July 29, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
National Holiday kasi ngayon kasabay ng pagtatapos
ng Ramadan.
Kaugnay nito, kinumpirma naman ng mga taga Boracay
Muslim Community na nagtapos na ang kanilang pagdiriwang kahapon.
Ayon sa ilang taga Muslim Community sa isla, nakita
na kahapon ang buwan sa bansang Malaysia na siya umanong hudyat ng pagtatapos
ng isang buwan nilang pag-aayuno.
Samantala, pinaghahandaan na rin umano ng mga
kapatid nating mga muslim ang nalalapit na pagdiriwang nila ng Eid al-Adha
pagkatapos naman ng Ramadan.
Nabatid na ang pagtitipon-tipon ng mga kapatid na
muslim sa kanilang mosque o simbahan upang magdasal at magbatian sa kanilang
mga kaibigan at kamag-anak, ang tinatawag na major highlights ng pagdiriwang ng
Ramadan.
Itinuturing naman ng DOT o Department of Tourism Boracay
na malaki ang naiaambag ng mga Muslim sa turismo ng isla.
No comments:
Post a Comment