Pages

Wednesday, June 04, 2014

Wind Energy Project sa Nabas at Malay, malaking tulong para sa NGCP

Posted June 4, 2014
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay

Labing walong wind mill o turbina ang aasahang makakadagdag sa enerhiya na kakailanganin ng NGCP para sa Visayas grid sa susunod na taon.

Ang proyekto na kinumpirma ng Department of Energy ay inumpisahan na sa apat na barangay sa Nabas, Aklan at dudugtong sa Barangay Napaan sa bayan naman ng Malay, Aklan.

Ayon kay Petrowind Corporate Lawyer Atty. Dan Gonzales, ang malilikha na kuryente ng wind farm na ito ay direktang mapupunta sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Mula sa NGCP ay siya namang ipamahagi sa mga electric cooperative sa Visayas Region.

Dagdag pa nito na malaking tulong ito para maiibsan ang kakulangan ng kuryente sa Visayas kung maging operational na ito sa susunod na taon.

Sa ngayon ay inaantay na lang nila ang ilang dokumento at permit mula sa LGU-Malay para maumpisahan na rin ang sa Barangay Naapan.

Samantala, ‘pag natapos na ang proyekto, magiging pangalawang wind farm ito sa Pilipinas kasunod ng sikat na wind farm sa Bangui,Ilocos Norte rason para makitaan ng potensyal na makatulong sa turismo at ekonomiya ng Nabas at Malay.

1 comment:

  1. Hi, may I know how to contact Atty. Dan Gonzales? Or at least can I have his full name and/or email address? There are just a few questions that I have for the project since I heard that the development will pass through our property in Nabas. Thank you!

    ReplyDelete