Pages

Wednesday, June 04, 2014

Habagat Season, paunti-unti ng mararamdaman - Coastguard Caticlan

Posted June 4, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Bagamat wala pang deklarasyon mula sa PAGASA tungkol sa insaktong pagtama ng Habagat, sinabi naman ng Philippine Coastguard Caticlan na paunti-unti na itong mararamdaman.

Ayon sa Coastguard Caticlan, paiba-iba na ngayon ang ihip ng hangin dala ng nagbabadyang Habagat Season kung saan kanila na umano itong pinaghahandaan.

Maliban dito naka-alerto na rin ang mga operator ng Bangka na may biyaheng Caticlan at Cagban Jetty Port.

Nabatid na biglang naramdaman ang malakas na hangin sa beach front ng Boracay kahapon dala na rin ng paglakas ng alon ng tubig at pagdagsa ng mga inanod na basura sa dalampasigan.

Sa kabilang banda tinataya naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagpasok ng Habagat Season ngayong ikalawang linggo ng buwan ng Hunyo.

Samantala, inaasahang anumang oras ay ililipat na ang biyahe ng mga bangka sa Tambisaan at Tabon Port sakaling pumasok na ang southwest monsoon para sa kapakanan ng mga pasaherong pumapasok at lumalabas sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment