Pages

Tuesday, June 03, 2014

Mag-ingat sa iba’t ibang sakit ngayong tag-ulan - MHO

Posted June 3, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Patapos na ang summer at magsisimula na ang panahon ng tag-ulan.

Kaugnay nito, tiyak na mauuso na naman ang iba’t ibang sakit na maaaring matamo sa ganitong panahon.

Kaya naman paalala ng Municipal Health Office (MHO) sa publiko ang dobleng pag-iingat sa mga sakit na puwedeng makuha lalo na kung madalas lumulusong sa baha.

Ayon kay Municipal Health Education Promotion Officer Arbie Aspiras.

Ilan sa mga sakit na maaaring makuha at dapat labanan tuwing tag-ulan ang dengue, leptospirosis na makukuha sa pagbababad sa baha, disenterya at diarrhea na bunsod ng maruming tubig, gayundin ang ubo, sipon, lagnat at trangkaso na usung-uso tuwing tag-ulan.

Samantala, paalala naman ng MHO sa mga magulang na siguraduhing mayroong sapat na nutrisyon ang kanilang mga anak.

Makabubuti rin umano ang pagiging malinis sa katawan o proper hygiene, laging maligo, maghugas ng kamay at maglinis ng katawan bago matulog at higit sa lahat panatilihing malinis ang paligid.

Umapela din ang MHO sa publiko na agad kumonsulta sa health center o sa doktor kapag may kakaibang nararamdaman sa katawan upang maagapan ang sakit.

No comments:

Post a Comment