Pages

Thursday, June 19, 2014

Presyo ng bawang, patuloy na tumataas; mga mamimili sa Aklan umaaray na

Posted June 19, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Umaaray na ang mga mamimili sa probinsya ng Aklan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bawang sa bansa.

Ayon kay Asst. Provincial Agriculturist Salomi David ng Aklan Department of Agriculture, umaabot na umano sa mahigit tatlong daan ang bawat kilo ng bawang ngayon kung saan inaasahan pa nila itong tataas.

Aniya, inaangkat pa ang suplay ng bawang mula sa Maynila kung kayat apektado din ang presyo nito sa probinsya.

Patuloy din umano ang kanilang isinasagawang weekly monitoring para malaman ang galaw ng presyo hindi lamang sa bawang kundi maging sa iba pang produkto.

Sinabi din nito tumaas na rin ang presyo ng luya, bigas at maging ang ilang groceries na siya namang ikinadismaya ng mga retailers at consumers.

Kaugnay nito, umapela na rin ang MalacaƱang sa taumbayan na magtiis-tiis muna sa mataas na presyo ng nasabing produkto dahil wala silang magagawa para kontrolin ito bunsod nang idinidikta ng “market forces”.

Samantala, ilan pa sa mga nagbabadya ng pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin ay ang karne ng manok, baboy at maging ang mga pangunahing gulay sa merkado.

No comments:

Post a Comment