Pages

Thursday, June 19, 2014

Presyo ng delata, gatas, asukal sumirit na rin ayon sa DTI Aklan

Posted June 19, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Maging ang presyo at suplay ng iba pang basic necessities at prime commodities ay binabantayan na rin ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) Aklan.

Ayon kay DTI Aklan Director Diosdado Cadena, hindi lamang umano ang presyo ng bawang at bigas ang tumataas ngayon kundi maging ang mga pangunahing pangangailangan sa araw-araw.

Aniya, may monitoring din silang ginagawa sa mga pamilihan kung saan partikular sa kanilang minomonitor ay ang presyo ng basic necessities katulad ng canned goods, powdered milk, noodles at asukal.

Dagdag pa ni Cadena, bagamat hindi umano direktiba sa kanila ang pag-monitor ng presyo ng bawang ay ikinadismaya din nila ang sobrang pagtaas ng presyo nito.

Nabatid na nagbigay na rin ng kautusan si DTI Undersecretary Victorio Mario A. Dimagiba sa mga Regional at Provincial Offices upang alamin kung may pagtaas sa presyo ng mga nabanggit na produkto at hindi sumusunod sa umiiral na SRPs o suggested retail price.

Samantala, ilan pa sa mga binabantayan ngayon ay ang maaring pagtaas ng presyo ng karne ng manok at baboy.

No comments:

Post a Comment