Pages

Wednesday, June 18, 2014

DENR Aklan, pinayuhan ang publiko hinggil sa pagsiga ng plastic


Posted June 18, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

“Burning plastic is a NO NO”

Ito ngayon ang mensaheng ipinaabot ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Aklan sa publiko kaugnay ng Environment Month.

Ayon kasi kay Community Environment and Natural Resources Office o CENRO Boracay Head Jonne Adaniel, ang pagsisiga umano ng mga plastik ay may malaking naidudulot na pinsala sa kalikasan.

Samantala, sa ginanap na aktibidad ng DENR na “Lakbay Para Sa Kalikasan” nitong linggo sa bayan ng Kalibo.

Ibinahagi din ni Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Head Ivene Reyes sa publiko ang iba’t-ibang paraan upang maiwasan ang Climate Change at Global Warming.

Inihalimbawa ng DENR ang nangyaring hindi pangkaraniwang epekto ng Climate Change sa Afghanistan na matagal nang hindi nakaranas ng pag-ulan, subalit nakakaranas naman ng matinding pagbaha ngayon.

Ang “Lakbay Para sa Kalikasan” ay isinasagawa ng DENR bilang bahagi ng selebrasyon para sa Environment Month ngayong buwan ng Hunyo.

Kasabay ng pagpapahayag ng tema na “Raise Your Voice, Not the Sea Level”, muling nanawagan ang DENR sa publiko na maging responsable sa pangangalaga ng kapaligiran. 

No comments:

Post a Comment