Pages

Monday, June 30, 2014

Pagdaong ng mga bangka sa Tambisaan port kapag low tide, pahirapan parin

Posted June 30, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nakakaranas parin ng mahaba at nakakabagot na pila ang pasahero ng mga bangkang dumadaong sa Tambisaan Port.

Pahirapan parin kasi ang pag-loading at unloading ng mga pasahero doon dahil iisang rampa lang ang maaaring gamitin lalo na kapag low tide o mababa ang tubig.

Sa kabila din ito ng pagtanggal ng mga malalaking bato sa paanan mismo ng port na nagiging sagabal sa paglapit ng mga bangka.

Kaugnay nito, mismong ang mga CBTMPC o Caticlan-Boracay Transport Multi-Purpose Cooperative at mga local na tour guide na rin ang nagtutulungan upang mapanatiling maayos ang takbo ng operasyon ng port lalo na sa gabi.

Magugunitang pinatanggal ng LGU Malay ang mga nasabing bato upang hindi maging sagabal sa operasyon ng pantalan, subali’t hindi maikakailang nagiging problema naman ang low tide.

Samantala, magugunita ring natibag ang malaking bahagi ng nasabing port nitong nakaraang linggo kung kaya’t kinordon na rin ito para sa kaligtasan ng publiko.

No comments:

Post a Comment