Pages

Monday, June 30, 2014

Mga kunsumidor ng Akelco, dismayado sa muling pagtaas ng bill ng kuryente

Posted June 30, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muling nadismaya ang ilang kunsumidor ng Aklan Electric Cooperative (Akelco) sa muling pagtaas ng bill ng kuryente.

Ito’y matapos nilang matanggap ang kanilang bill nitong buwan ng Hunyo na umabot ng P12.6067 mula sa P11.4298 per kilowatt-hour (kWh) bilang residential consumers.

Samantalang ang Commercial at industrial establishments ay nagbabayad naman ng additional na P1.1753 kWh mula sa P10.4850 kWh para sa buwan ng Mayo hanggang P11.6602 kWh.

Higit ding apektado dito ang ilang residente sa isla ng Boracay kung saan ayon sa kanila ay pabigla-bigla ang pagtaas ng bill na kung saan ay lagi din umanong nararanasan ang brownout.

Samantala, nilinaw naman ni Rence Oczon, public information officer ng Akelco, na ang dahilan umano ng pagtaas ng bill ng kuryente ay dahil sa cost ng generation charges mula sa Akelco power suppliers, kung saan ang sistema ay nawawala sa panahon ng buwan ng tag-init.

Maliban dito pinayuhan din ni Oczon ang mga electric consumers na tumawag o bumisita sa Akelco main office o sa kanilang ibang opisina para matulungan silang ma compute kung magkano ang na co-consumed ng kanilang mga electricity appliances sa bahay.

No comments:

Post a Comment