Pages

Wednesday, June 18, 2014

MHO, nagpaalala sa mga masahista sa Boracay na kumuha na ng Licensure Exam

Posted June 17, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagsimula na ang pagkuha ng Licensure Exam para sa mga Massage Therapist sa bayan ng Malay lalo na sa isla ng Boracay.

Ayon kay Sanitation Inspector III Babylyn Frondoza ng Malay Health Office (MHO).

Nakasaad kasi sa Memoradum Order 312 Series of 2011 na kailangang kumuha ang lahat ng mga masahista ng lisensya.

Anya, ang nasabing hakbang na ito ay bilang bahagi din ng pagre-regulate ng Department of Health (DOH) sa mga massage therapist at para sa proteksyon nila.

Samantala, bukas naman ang opisina ng Local Government Unit (LGU) Malay para sa mga massage therapist na nais mag-training upang agad na makakuha ng lisensya.

Bagama’t abala din sa ilan na maituturing ang pagkuha ng Massage Therapist Licensure Examination, sinabi ng DOH na maganda rin itong oportunidad para sa kanila na maisaayos ang kanilang kabuhayan.

No comments:

Post a Comment