Pages

Wednesday, June 18, 2014

Mga umaapaw na drainage system sa Boracay, dapat umanong solusyonan- SB Bautista

Posted June 18, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Dapat umanong masolusyonan na ang mga umaapaw na drainage system sa isla ng Boracay.

Ito ang sinabi ni SB Member Floribar Bautisa sa isinagawang SB Session ng Malay kahapon ng umaga.

Aniya, hindi umano ito maganda sa mata ng mga turista lalo na at mabaho ang umaapaw na tubig sa nasabing drainage.

Ayon naman kay Barangay League President Abram Sualog, nakipag-ugnayan na rin umano sila sa Boracay Island Water Company (BIWC) ukol din sa umaapaw na drainage system sa Brgy. Manoc-manoc.

Dagdag pa Floribar hindi lamang ang mga drainage system ang problema sa Boracay kung hindi ang mga basura na nagkalat sa daan na minsan umano’y naiiwang kolektahin ng garbage truck.

No comments:

Post a Comment