Pages

Wednesday, June 18, 2014

Napagkasunduang desinyo ng wave breaker, iginiit ng BRTF

Posted June 17, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Iginiit ngayon ng BRTF na sundin ang napagkasunduang desinyo ng wave breaker.

Mali parin umano kasi ang ginawang pagsasako ng buhangin o sand bagging ng ilang station 1 owners na naapektuhan ng sand erosion nitong nakaraang linggo.

Ayon kasi kay BRTF Secretary Mabel Bacani, normal lang na matangay pabalik sa dagat ang buhangin kapag malalim ang tubig, ngunit hindi parin umano ito dapat na kinukuha at isa-sand bagging.

Iginiit din ni Bacani na hindi naman nagkaproblema ang mga station 1 property owners na naglagay ng kawayan o bamboo wave breakers, gaya ng napagkasunduan nila sa task force.

Kaugnay nito, dapat umanong sumunod at makipagtulungan sa LGU Malay ang mga nagreklamong establisemyento.

Samantala, sinabi din ni Bacani na dapat talagang ikampanya na bawal ang pagsa-sand bagging sa Boracay.

No comments:

Post a Comment